Sunday, January 31, 2010

10 mga bagay na naranasan mo nung bata ka

 ito ang mga ilang bagay na di na mabubura sa ating alaala, masaya, nakakabaliw at marerealize mo na tumatanda ka na talaga, mga bagay na nangyayari lamang minsan sa buhay at masayang balik balikan... masarap maging bata! (ang mga sumusunod na larawan ay hindi sunod sunod, gets?)





1. na meet mo na si prinsipe cedie, princess sarah, blue blink, julio at julia, tomsawyer at iba pa















      sino bang makakalimot sa puting kabayo ni cedie? sa  mga umapi kay sarah? mga adventures ni tom? ang pagpastol ng kambing nina peter at heidi. at sa lyrics na "ako si blink, sa bawat oras nariyan, tutulong sa nangangailangan....."! pinapalabas sila tuwing umaga bago tayo pumasok sa eskwela. Parang ito ang pangbatang teleserye natin noon na kaabang abang talaga!

2. kabisado mo ang "hindi ko kayang tanggapin"


















     Sikat na sikat itong si idol noong bata pa ako, ang trademark niyang pag ekis ng dalawang braso habang kinakanta ang sikat na sikat na kanta noong  "hindi ko kayang tanggapin" (click here: lyrics), very catchy ang song at isabay mo pa ang paghahagis ng cap ni idol sa kanyang mga fans! eskwela, kanto, bata matanda alam ang lyrics, ako lang ata noon ang di nakakaalam ng lyrics...



3. nagkaroon ka ng brick game at tamagochi



















     lokong loko tayo noon sa brick game, daladalawa noon ang meron ako, hindi lang ito basta basta tetris dahil ang sarap sa tenga ng sounds nito, dalawang size AA na baterya lang at gagana na ito, isa itong game na parang walang katapusan, mag nenext level ka lang pag inadjust mo ito. Pero ang ilang brick game ay hindi lang tetris ang laman, meron din itong parang snake, parang patintero tsaka iba pa, 100 pesos ko noong nabili ang akin sa San fernando, tuwang tuwa noon ako at buong araw kong linaro kaya mabilis ko ring pinagsawaan! nariyan din ang tamagochi, para itong pet society noong araw,

4. nagwaldas ka na sa video karera
















     Noon wala pang dota at computer shop pero may mga videohan sa tabi tabi, nauso dito ang mortal combat, street fighter, mario world at iba pa, nauso ang fatality, adukit, k.o, you win, game over at iba pa ang iba ay de-oras pa, 1 pesos may 3 minutes count down sa gilid. dito nawawaldas lahat ang baon ko, hanggang 2 player lang ang kaya ng isang machine, at sino bang makakalimot sa nakaka adik at nagpapayamang video karera, mainit ang mata noon ng gobyerno dito dahil isa itong sugal! pero magaling talaga ang mga may ari nito! di matinag!

5. nalaro mo ang beyblade at let'sgo














     nagkaroon ng alternative ang turumpo, yan ang beyblade, mula sa sikat na anime sa japan, napakamahal nito noon, Basta marinig ang "ready... shoot", isang hila lang at pwede ng magsagupaan mga beyblade niyo sa ring, pero kami, palanggana ang gamit namin, ang unang tumigil sa pagikot ay talo. dapat daw ay metal ang pwitan na iniikutan nito, dahil di gaya ng plastic napupudpod daw ito. Nauso din ang let's go, isa itong laruan na race car na pinapatakbo ng dinamo, nabili ko lang ang akin noon sa bargain na tig 45, de assemble pa noon ito at ikaw din ang magdidikit ng mga stickers, pero mas sunod-mata ang tinatawag na tamiya o original!


6. nakita mo na ang pusa sa 10 peso bill

 

      ang sampung piso pa noon ay papel, ito ay karaniwang "mabaho, malibag, lukot at amoy palengkeng pera!" pero noong bata pa kami, isa ito sa mga naging laruan namin, ipapahanap ang pusa sa likod ng 10 peso bill na nakalarawan naman ang makasaysayang Barasoin Church ng bulacan, makikita ang pusa na umaakyat sa tuktok ng simbahan, medyo di siya halata dahil sa anino ng pundasyon ng simbahan.

7. nilinlang ka na ng flames at nasalawalan ka na ng p-a-n-t-s



















     sikat ito lalo na sa school, mga bagay na dapat gamitin sa paglalaro ng flames:
1. papel
2. ballpen
 isulat ang buo mong pangalan at pangalan ng crush mo, itaga ang mga magkatumbas na letra at itotal, tapos ready na ito ibilang sa flames, at kung saan man tumigil ito yun ang magiging kapalaran niyo, pag natapat ito sa F- friends lang, L- love na yan, A- anger ata?, M- marriage, E-engage, S- di ko na matandaan, at kung wala kanamang magawa, mag pants kayo ng mga kaibigan mo, kailangan lang magbigay ng mga ngalan ng lugar, hayup, tao at bagay sa binigay na letra, pag tama ka 10 puntos, pag may kagaya ka ng sagot, hati kayo sa 10 puntos, pag wala, edi wala!

8. nagpaloko ka na sa palabunutan, para sa dekolor na sisiw


 
      lumilitaw lang sila tuwing may kapistahan sa amin, may dala dala silang parang kariton, tapos nasa loob ang mga sisiw na de kolor, bago ka makakuha nito ay kailangan mong bumunot, itapat mo ang piso mo sa color board na nasa kariton din, tapos ilalagay mo ang papel na kinuha mo sa tubig na nasa kariton din at lalabas ang numero, pag tumama, may sisiw ka! ang ilan naman ay colored game, kung saan itatapat mo rin ang piso sa kulay na gusto mo at hihilain ang tali para mahulog ang mga dice, pero kung malas ka sa tayaan, pwede naman itong bilhin ng 10 piso!

9. ang ahas sa robinson mall

















     nadala rin ako noon ng mga tsismis ng mga kaibigan, na di umano'y may taong kalahating ahas sa robinson mall, na di umano'y pati si alice dixon ay muntik ng mabiktima sa fitting room, at tumakbo daw itong naka panty at bra lamang... nakatira daw ito sa ilalim ng mall.pero syempre walang katotohanan ang mga kwentong ito.

10. hindi mo pinalampas ang mga rides sa perya, gaya ng octopus, caterpillar, ferris wheel at horror train















     ang mga perya ay parang paraiso noon, pwede kang sumugal, pag nagsawa ka, may mga rides naman dyan na pwedeng sakyan, nariyan ang ferris wheel na kinakalawang, octopus na parang maluwang ang turnilyo, caterpillar na paikot ikot lang, at horror train na di naman horror! pero kahit delikado ay sasakyan at sasakyan parin, ilan ang mga ito sa mga pinipilahan natin tuwing gabi!

4 comments:

  1. tama ka jan....mukhang pinanganak ka ng 90's ah...hehehe yung sa flames S IS SWEET yata...hehehe

    ReplyDelete
  2. Thank You and I have a tremendous present: Where To Start With Whole House Renovation home remodeling contractors

    ReplyDelete