Thursday, January 28, 2010

10 Karaniwang eksena sa drama

     Narito ang mga ilang eksena na pinagtatakhan ko kung bakit hindi mawala wala ang ilang eksena na dapat matagal ng nabago. Mga paulit ulit na eksena na di matatawag na drama kung wala ni isa sa mga ito, kayo ang humusga!





  
1. Hindi kita tunay na anak!
      Nakakapagtaka na ang mga ganitong eksena, "nawawala ang anak, hin
di siya ang tunay niyang ina, nagkapalit ng sanggol", tapos after ilang years magkikita sila at eto ang famous dialog once na nakita nila ang tunay nilang anak, "ewan ko ba, pe
ro ang gaan gaan ng loob ko sa kanya", syempre di rin pwedeng mawala ang DNA test dyan na magpapatunay sa insticnt ng ina!

2. Kidnap




     Buti nga unti unti ng namamatay ang ganitong tradisyon, dudukutin ang leading lady, anak, ina, ama, lolo, lola kachismisan kaberks o kung sino mang tae tapos itong bida sasagipin niya ito ng walang gasgas sa pakikibaka at efforless ang pag knock out sa isang dosenang kampon ng kontrabida! Common ito nung panahon nina roderick, redfordwhite, vic sotto at iba pa!

3,  nawalan ng alalala

 

     Isa ito sa mga common twist ng storya, mabubunggo ang bida, tapos mababagok ang ulo... magkaka amnesia siya't makakalimutan niya ang kanyang pangalan at kanyang minamahal, tapos makakahanap siya ng panibagong pag ibig, tapos mababagok ulit ang ulo nia at wow, babalik na ang alaala niya!  though i think wala namang scientific basis na para bumalik ang alala niya ay kailangang pukpukin ito sa ulo! try mo kaya?

4. Matapobreng Donya



     Isa ito sa mga di mamatay matay na ideya, Isa sila haciendero tapos itong tagapagmana na ikakasal na ay maiinlove sa kanyang kababata at mahirap na dalaga, ipaglalaban nila ang pagibig nila hanggang wakas kahit tutol itong si Donya na gagawin ang lahat upang mailayo ang tagapagmana... o di ba? nakakaumay!

5. malditang girl



      Isang hottie ang gugulo sa pagiibigan ng ating bida, para magkaroon ng kulay, kailangan ng kahati, may pagkakaiba ang dalawang babaeng nag aagawan sa isang lalaking mahaba ang hair, ung bida mahirap, simple, looser pero palaban, at yung kaagaw naman niya ay isang sosyal, matapobre, malandi at kikay.

6. Gaganti ako!






Matapos api apihin, dungisin ang dangal, ipagsaklub ng langit at lupa, at warak warakin ang pagkatao ng bida, syempre bilang tao, naiipon ang hatred nito sa puso at mangangako siya! ipapangako niya na maghihiganti siya at aagawin lahat ng mga inagaw sa kanya, at babawiin ang mga pinagkait sa kanya!

7. Patay ka!











     Parang sa drama ay napakadaling gawin ang magpapatay ng tao, mag hahire ng hitman itong si kontra at ipapapatay ang bida sa espesyal nitong moment,

8.  magtutuos tayo!

   Eto, mang aaway na to dahil di mapatay patay ng mga kampin ng kontabida ang bida, kaya siya na ang papatay sa mga kamay neto, magtutuos sila sa isang ware house o abandonadong building, at doon magsasagupaan!

9. Pulis
 

     Sila ang huling huling darating sa eksena, sila ang aariba palang kung saan tapos na ang aksyon, sila ang mga....

pulis

10.  happy ending




    matapos ng mga paghihirap at pagdurusa, aba'y syempre ang mga pilipino... mahilig sa happy ending!





No comments:

Post a Comment